Wednesday, February 18, 2009

Ang Prostitusyon at ang Pilipinas


"Prostitution happens to you because of troubles you had.
In reality no woman would choose to do that. "

"Prostitution requires for its diminution not only laws, well enforced, to abolish the traffic in womanhood; not only better social protection against harpies who seduce young girls seeking an honest livelihood; not only better chaperonage of young girls in exposed occupations; not only better opportunities for natural enjoyment of youthful pleasure under morally safe conditions; not only these—but most of all, greater power on the part of the average young girl to earn her own support under right conditions and for a living wage."

Sa isang bansa tulad ng Pilipinas, malaking hamon sa mga namamahala kung paano maisasaayos ang pagpapatupad ng mga batas na kanilang maaprubahan. At sa bansang tulad ng Pilipinas kung saan halos lahat ng mamamayan nito ay walang tiwala sa kanilang gobyerno, nararaparat na pag aralan at pakiramdaman ang bawat galaw ng mga nanunungkulan dito..
Paano kung papiliin tayo ng gobyerno kung gagawing legal ang prostitusyon?
Papayag ka ba o hindi? Bakit?
Kung ako ang magdedesisyon, iisipin ko muna kung ano ang magiging epekto nito, sino ang maaapektuhan nito, o kung magiging mas malala ba ang sitwasyon ng mga taong sangkot sa ganitong kalakaran.
Dahil sa mga nabanggit kong factors, naisip ko na hindi dapat gawing legal ang prostitution. Bakit?
Una, kung moralidad lang ang pag uusapan, di na talaga puwede. Siyempre, kahit paano, ang Pilipinas, catholic country pa rin. Tapos, makakasira pa ng image ng bansa yan. Anong iisipin ng mga kapit bahay nating Asyano? Na ang mga babae natin, bayaran? Na dahil nag hihirap tayo e desperado na nating kuhanan ng tax pati yung mga bagay na dapat itinatago na lang.. Pangit tignan. Naisip ko pa, na baka maabuso yung mga babaeng di naman prosti dahil baka isipin ng mga dayuhan na lahat ng babae sa bansa, puwede na nilang bayaran.
Pangalawa, iniisip ko rin na mas magiging malala yung sitwasyon ng mga prostitutes. Kahit pa sabihing mapoprotektahan sila by regular check ups and condom policies, di naman enough yun para sa proteksyon nila. Di naman nila macheck yung health ng customers nila, pag nakipag sex naman sila, wala naman silang bantay dahil siyempre bayad siya. Pag tumanggi naman siya, e di wala siyang kita, dahil lilipat na lang sa ibang place yung customer. Kung magsumbong naman sila, malamang mas papanigan ng owners and pimps yung mga customers kaysa sa employees nila kasi nga business pa rin yun diba?
In short, everything is extremely negotiable. Walang choice ang babae dahil maiipit lang siya lalo. Lalo silang nagiging abused, lalong nagigipit, lalong lalala yung sitwasyon nila. Kaya karamihan sa kanila, malamang magiging ilegal na lang. Siyempre, hindi makakaltasan ng tax, hindi sila hawak sa leeg ng mga bugaw at higit sa lahat, mas malaki ang kanilang kikitain.
Isa pa sa mga naiisip ko e, pano kung maging legal sila, e di kilala na natin kung sino ang mga prosti. Siyempre, bababa lalo yung self esteem nila dahil nandun yung stigma na prosti lang sila at wala silang ibang ginagawa kundi magbenta ng kanilang sarili.
At kung kahit papano, maging successful ang prostitusyon sa bansa, di ba mas nakakatakot yun dahil dadami ang mga batang tatanda na nanaisin na lang maging prosti kaysa mag aral o kumita sa ibang paraan. Madaling paraan ito para umahon sa kahirapan kaya di na nila kailangan pang mag pagod sa trabaho..
Pero in general, ano ba ang nagiging impact nito sa atin kung magiging legal ang prostitusyon?
Para sa akin, magiging mababa ang tingin natin sa mga babae, sa kabuuan, dahil tinitignan na lamang natin sila as sexual commodities at hindi mga individual na kayang mag perform para sa society. Kasi kung tutuusin, binibigyan mo ng kalayaan yung opposite sex para pagsamantalahan ka. Tapos, parang sinusuportahan mo pa na mawala yung concept ng marriage and offering oneself to the only person you love. Lalong nawawalan rin ng saysay yung equality na ipinaglalaban ng mga feminist.
Sa kabuuan, naniniwala pa rin ako na hindi sagot ang pagsasalegal ng prostitusyon para maproteksyonan ang mga kababaihan natin. Hindi ang pagpapapasok sa ganitong kalakaran ang dapat iniisip kundi kung paano ilalabas ang mga matagal ng nakakulong sa negosyong ito. Hindi ang pagpapaganda ng sistema ng pagsasaligal ang sagot kundi ang pagbibigay ng mas magagandang alternatibo sa ganitong klaseng trabaho...
-----------------------------------------------------------------------
Nakakatawa dahil kung tutuusin, ito dapat yung sasabihin ko sa debate. Kaso, di ko nasabi. Haha. Ang badtrip kasi na mental block ako pero ok na rin ito. At least ngayon, nasabi ko na yung gusto kong sabihin..
<863>